Pinalawig na shelf-life ng molnupiravir sa 12 buwan oks sa FDA

Pinalawig na shelf-life ng molnupiravir sa 12 buwan oks sa FDA

January 25, 2022 @ 8:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapalawig sa shelf life ng anti-COVID-19 drug ng kompanyang Merck na molnupiravir sa 12 buwan mula sa dating anim na buwan.

Sinabi ni FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez Jr. na nagbigay na sila ng emergency use authorization sa molnupiravir brands na Molnarz at Molnaflu.

“Nagsubmit po sila requirements so nabigyan ng 12 months. Ito ay isang magandang balita meaning yung gamot na yun patuloy ang importation,” ulat ni Gutierrez kay Pangulong Ridrigo Duterte sa kanyang Talk to the Nation.

Dagdag pa ng opisyal na siyam pang kompanya ang nagsumite ng aplikasyon para sa pagpapahaba ng shelf life ng kanilang anti-COVID-19 medicines. RNT