Pinas, 11 bansa pasok sa ‘very high risk’ category sa COVID-19 ng US CDC

Pinas, 11 bansa pasok sa ‘very high risk’ category sa COVID-19 ng US CDC

February 1, 2022 @ 3:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pasok ang Pilipinas sa listahan ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ikinokonsiderang “very high risk (level 4)” dahil sa mataas na antas ng COVID-19 infections.

Ito ay sa kabila ng pagpapaluwag ng bansa sa capital region at iba pang lugar sa Alert Level 2 na nangangahulugang pagbaba ng kaso ng COVID-19, ngayong Martes, Pebrero 1.

Kasama ng Pilipinas ang 11 pang bansa sa ‘very high risk’ category kung saan inaabisuhan nito ang kanilang mga residente na kung maaari ay umiwas na bumyahe kabilang ang:

  • Anguilla

  • Brazil

  • Chile

  • Ecuador

  • French Guiana

  • Kosovo

  • Mexico

  • Moldova

  • Paraguay

  • Saint Vincent and the Grenadines

  • Singapore

Itinataas ng CDC sa level 4 ang mga bansang nakapagtala ng 500 kaso ng COVID-19 sa bawat 100,000 residente sa loob ng nagdaang 28 araw.

Sa kabuuan, 130 bansa at teritoryo ang napabilang na sa very high-risk category ng CDC.

Samantala, idinagdag naman ng CDC ang 11 bansa sa level 3 (high risk category). Ito ang mga sumusunod:

  • Bhutan

  • Brunei

  • Comoros

  • French Polynesia

  • The Gambia

  • Guinea

  • Guinea-Bissau

  • Honduras

  • Liberia

  • Nepal

  • Oman

Sa ngayon ay may kabuuang 53 bansa sa kategoryang high risk. RNT