Pinas, 8 pang bansa pwede nang pumasok sa Hong Kong

Pinas, 8 pang bansa pwede nang pumasok sa Hong Kong

March 22, 2022 @ 7:31 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Paluluwagin at babawiin na ng Hong Kong ang ipinataw na flight ban sa ilang mga bansa, kabilang na rito ang Pilipinas, simula Abril.

Habang amg ilan pang restriksyon tulan ng mahabang araw ng kwarantin para sa mga byaherong darating sa bansa, maging ang pagbubukas muli ng mga paaralan, ay ikakasa.

Sa anunsyo ni Chief Executive Carrie Lam ang flight ban ay aalisin mula Abril 1, habang ang hotel quarantine para sa mga pagdating ay maaaring putulin sa pitong araw mula 14 kung magnegatibo ang mga residente.

Kabilang naman sa mga bansang muling papayagang makapunta sa Hong Kong ay ang United States, Australia, Britain, Canada, France, India, Nepal, Pakistan at ang Pinas.

Samantala, ang mga paaralan ay magpapatuloy ng harapang klase mula Abril 19, pagkatapos ng mga pista opisyal ng Pasko ng Pagkabuhay habang ang mga pampublikong lugar kasama ang mga pasilidad sa palakasan ay magbubukas din mula Abril 21, aniya.

Ang hangganan ng Hong Kong ay epektibong isinara mula noong 2020 na may napakakaunting mga flight na makakarating at halos walang mga pasahero ang pinapayagang magbiyahe. RNT