Pinas, Alberta, Canada lumagda ng kasunduang susuporta sa Pinoy nurses

Pinas, Alberta, Canada lumagda ng kasunduang susuporta sa Pinoy nurses

October 8, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas at ang Province of Alberta, Canada  na naglalayong palakasin ang kooperasyon para sa kapakanan ng mga Filipino nurses.

Tinintahan nina Department of Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne “PY” Caunan at Alberta Premier Jason Kenney ang isang  Memorandum of Understanding (MOU)  na nagsasaad na “the two countries will promote sound, ethical, and sustainable recruitment practices.”

Nakapaloob din sa MOU  ang iba pang usapin gaya ng “undertaking of a formal collaborative effort to the certification, recognition, and matching of skills and qualifications of Filipino nurses and the provision of support to Filipino nurses who are not yet registered to practice in Alberta,” ayon sa DFA.

Sa oras na naisapinal na ang financial assistance program, ang Filipino nurses sa Alberta  na  sasailalim sa assessment, edukasyon, at pagsasanay at  licensing process ay maaaring mag-avail ng financial incentives mula sa Alberta provincial government.

Sa ilalim  ng MOU,  ang partnerships sa pagitan ng dalawang bansa ay posible  gaya sa nursing program sa Piipinas na ia-accredit sa Alberta.

May kabuuang  175,130 overseas Filipino ang nakatira sa Alberta, ayon sa DFA base sa 2016 Canada Census data. Kris Jose