Pinas bibili ng India anti-ship missile system

Pinas bibili ng India anti-ship missile system

January 15, 2022 @ 8:40 AM 7 months ago


Manila, Phnilippines – Napagkasunduan ng Pilipinas na bumili ng anti-ship missile system galing sa India, batay sa ulat.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong $375 milyong kontrata sa BrahMos Aerospace uang magsuplay ng onshore anti-ship missile system sa  Philippine Navy.

Ang BrahMos ay isang ‘joint venture’ sa pagitan ng India at Russia na nagdebelop ng cruise missile na sinasabing pinakamabilis sa mundo.

Pilipinas naman ang unang bibili ng naturang system.

“It’s part of our territorial defense,” pahayag ni Colonel Ramon Zagala, spokesman ng Armed Forces of the Philippines. RNT/FGDC