Pinas bilang investment hub palalakasin ng RCEP – NEDA

Pinas bilang investment hub palalakasin ng RCEP – NEDA

February 22, 2023 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan nitong Miyerkules, Pebrero 22 na mapalalakas pa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ang posisyon ng Pilipinas na maging investment hub.

Sa pahayag, sinabi nito na makikinabang ng husto ang bansa mula sa naturang mega-trade deal.

Nitong Martes, Pebrero 21 ay bumoto ang 20 senador pabor sa free trade agreement sa pagitan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama ang China, Japan, South Korea, Australia at New Zealand.

“With the country’s participation to RCEP, the Philippines has now further strengthened its position as an ideal investment hub in the region as we expand market access, facilitate trade, and align our rules and procedures with participating economies,” ani Balisacan.

Magsisilbi umanong gateway sa rehiyon ang Pilipinas at mapalalakas pa ang mga manggagawang Pinoy kasabay ng mas matatag na legal policies, katulad ng sa intellectual property at kompetisyon.

Magiging ideal manufacturing at research and development hub din ang bansa dahil dito.

Ang paglahok din sa RCEP ani Balisacan ay magdudulot ng “robust business expansion” at investment na bubuo ng mas maraming de-kalidad na trabaho at magpapababa sa kahirapan na kasali rin sa Philippine Development Plan 2023-2028.

“With the strong support of Congress, yesterday’s concurrence to the RCEP Agreement is a testament to the government’s commitment to creating an environment conducive for trade and investments that are catalysts for job creation, skills development, and technology transfer as we seek to transform the Philippine economy in the next six years,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga polisiyang nakapaloob sa RCEP ratification ay ang pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, Public Service Act, at Build-Operate-Transfer Law, na mas makapagbibigay ng business-friendly environment.

Nanawagan naman ang ilang negosyo at grupo ng mga magsasaka ng mas matibay na suporta sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay pagkakataon sa mga magsasaka na makipagsabayan sa mga imported na produkto.

Nauna nang sinabi ng ilang agricultural groups na lubhang maaapektuhan ng RCEP trade deal ang mga lokal na magsasaka. RNT/JGC