Bakunado sa BARMM, 33% pa lang – NVOC

June 26, 2022 @1:13 PM
Views:
0
MANILA, Philippines – Nananatiling mababa ang antas ng COVID-19 vaccination sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC).
Sa datos ng NVOC, nasa 33% ng populasyon ng BARMM pa lang ang nabakukunahan, mas mababa sa 70% na target na itinakda bago matapos ang administrasyong Duterte.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni NVOC chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na 1.1 milyon sa 3.5 milyong populasyon ng BARMM ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19.
“Pero talagang humataw sila bandang after the Ramadan because of the special vaccination days kasi nasa 20 [percent] lang sila. We will be happy sana na 50 [percent], but we don’t know if they can even reach 50% by the end of [President Duterte’s] term,” aniya pa.
Noong Mayo, ang BARMM, sa pamamagitan ng health ministry nito, ay nagsagawa ng isang region-wide special COVID-19 vaccination drive na may layuning maabot ang 70% na target bago ang Hunyo ng taong ito.
Nauna nang tinukoy ng Department of Health (DOH) ang ilan sa mga hamon sa paglulunsad ng pagbabakuna sa rehiyon, kabilang ang pag-aalangan o kagustuhan sa bakuna, limitadong workforce, fake news, late submission ng araw-araw na ulat ng pagbabakuna, at malamig na suporta mula sa mga local chief executive at mga barangay official.
Sa kabilang banda, iniulat din ni Cabotaje na 63% na ngayon ang ganap na nabakunahan sa Soccsksargen, habang ang Bicol Region at Mimaropa ay parehong hindi pa rin umabot sa 70% na target na populasyon.
Iniugnay niya ang mga sakuna dulot ng mga nagdaang bagyo at ang phreatic eruption ng Bulusan Volcano sa Sorsogon na nakaapekto sa nasabing mga rehiyon.
“We hope sana maabot nila ang 70 [percent] kasi nasa almost 68 [percent] na sila,” aniya pa.
Hindi bababa sa 70 milyong Pilipino ang ganap na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19, habang 14.8 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose. RNT
Urban agri seminar muling umarangkada sa Caloocan

June 26, 2022 @1:00 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Matapos ang mga pulis, mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology at mga barangay sa Lungsod ng Caloocan naman ang sumailalim sa urban agriculture seminar.
Sa pangunguna ng mga kawani ng People’s Law Enforcement Board at Caloocan City Parks and Administration Services, binigyan ng kaalaman ang mga dumalo hinggil sa tamang proseso ng pagtatanim maging sa siyudad.
Layunin ng programang ito na patuloy na itaguyod ang urban agriculture project sa Lungsod ng Caloocan na malaki ang maitutulong sa kabuhayan at pagkain ng mga mamamayan.
Noong 2020 ay lumagda si Mayor Oscar Malapitan sa isang memorandum of agreement kasama ang Department of Agriculture at Philippine Seed Industry Associate upang maging bahagi ng urban agriculture program ang Caloocan. Merly Iral
Ammonia sumingaw sa ice plant sa Navotas

June 26, 2022 @12:45 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Nabulabog ang mga residente matapos tumagas ang ammonia sa isang planta ng yelo sa Navotas City, Sabado ng gabi.
Sa report ni PCpl Dandy Sargenton kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Magsimpan Ice Plant and Cold Storage Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng M Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.
Sa pahayag sa pulisya ni Roey Ganzo, nasa hustong gulang at in-charge maintenance ng naturang planta ng yelo, habang naglilinis siya ng natitirang liquid sludge nang mapansin niya ang malakas na amoy ng ammonia sa loob ng residential area ng nasabing ice plant.
Kaagad silang umalis sa loob ng naturang lugar saka humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Navotas police.
Mabilis namang rumesponde sa naturang lugar ang Navotas Police Sub-Station 4, at Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni F/Insp. Gabriel Trinidad.
Ayon sa mga awtoridad, wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente habang ayon kay BFP investigator SFO2 Junie Bert Mendoza patuloy ang kanilang further imbestigasyon sa nasabing insidente. Boysan Buenaventura
NBA dream ko hindi ko isusuko – Sotto

June 26, 2022 @12:36 PM
Views:
20
MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Kai Sotto ang mga fan na sumuporta sa kanya sa buong mundo kahit pa bigo itong makuha ng kahit anong NBA team sa ginanap na NBA draft nitong nakaraang araw.
Ayon Sotto, 20, tuloy ang kanyang ambisyon at journey na makamit ang minimithing pangarap na maging kauna-unahanga purong Pinoy sa NBA.
Hindi pa umano rito natatapos ang pangarap ni Sotto dahil napakabata pa nito at maraming pang panahon na mag-improve ang laro, ayon sa mga kritiko.
Marami umanong halimbawa sa mga nakaraan na nagka-interest pa rin ang ilang NBA team sa ilang mga undrafted player.
Maganda halimbawa umano rito ay sina NBA stars na sina Christian Wood, Fred VanVleet, at Seth Curry.
Samantala, kinontra naman ng agent ni Sotto ang plano ng Pinoy na paglalaro sa NBA summer league
“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursuing the dream of being in the NBA…..this is not the end. I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” ani Sotto sa kanyag social media account na Twitter.JC
Oath-taking ng mga bagong nars, occupational therapists kasado sa Hulyo

June 26, 2022 @12:30 PM
Views:
29