Pinas binigyan ng US ng P3M bilang suporta sa family planning campaign

Pinas binigyan ng US ng P3M bilang suporta sa family planning campaign

March 3, 2023 @ 12:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatanggap ang Pilipinas ng P3.7 milyon ($66,500) na  technical assistance at pagpopondo mula sa gobyerno ng Estados Unidos na naglalayong i-develop ang digital platforms para sa pagpaplano ng pamilya.

Ayon sa US Embassy, may apat na developer ang nakatanggap ng suporta mula sa Villgro Philippines at Duke University Global Health Innovation para tumulong na maghanda sa kani-kanilang aplikasyon para sa market release.

Ang apat na developer ay ang CareGo EMR; Edukasyon,ph; FriendlyCare Foundation at Yaka.ph

“We are happy to see the innovation ecosystem in the Philippines starting to engage in family planning ang adolescent resproductive health issues,” ayon kay US Agency for International Development (USAID) Philippines Director Michelle Lang-Alli.

“USAID is committed to helping countries meet the family planning and reproductive needs of their people,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng US Embassy na ang apat na developer ay nakatanggap ng anim na buwan na “intensive support” para ihanda ang kani-kanilang aplikasyon para sa market release.

Sa kabilang dako, kasunod naman ng pormal na paglulunsad ng plataporma, maaari nang gamitin ng local government units  at health agencies ang aplikasyon para isulong ang family planning services.

“We are talking about 60 percent of 110 million Filipinos who are not able to pay for services on their ow, so we have to find ways to work on that,” ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Beverly Ho.

“This is why it is important for us to come together and build  connections so that we can know who is doing  what and support each other,” dagdag na wika ni Ho.

Ang digital platforms ay bahagi ng ReachHealth program ng  USAID at kasalukuyang naka-align sa mga prayoridad ng DOH, Commission on Population and Development at Philippine Health Insurance Corporation na naglalayong makapagbigay ng “mura, accessible, at reliable family planning services.” Kris Jose