Pinas bukas sa pagbabalik ng joint oil, gas exploration talks sa Tsina-DFA

Pinas bukas sa pagbabalik ng joint oil, gas exploration talks sa Tsina-DFA

September 1, 2022 @ 10:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Handa ang Pilipinas na muling buksan ang usapin sa China hinggil sa joint oil at gas exploration sa West Philippine Sea (WPS).

Tiniyak ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa mga mambabatas na dapat na isulong ang negosasyon, may gabay ng Philippine laws at Saligang Batas.

“We have indicated to China our willingness to continue or to re-open talks sa oil and gas. Kasi we realized na especially now, ‘yung energy crunch at saka ‘yung nangyayari ngayon sa around the world, we really have to develop our resources. Again if we enter into negotiations with China, we will be guided by our laws and our constitution,” ang naging pahayag ni Manalo sa House Committee on Appropriations sa isinagawang budget deliberations ng DFA.

Matatandaang kinanasela ng administrasyong Duterte ang energy talks sa China, tinukoy ang constitutional limits.

“Gusto nila, just to put simply, 50-50 or 51-49, pero hindi rin pwede because it’s a natural resource… Let’s see. Maybe China will come back with a more open mind. Tingnan natin… but we’re bound by the constitution,” paliwanag ni Manalo.

“I really want to be very careful sa kung paano papasok ang ating bansa sa mga ganoong deals given nga yung position pa rin ng China… ‘Yung China parang kapitbahay natin na inaangkin yung mga kagamitan sa ating bahay, tapos instead na on the look out tayo sa pagpasok niya, parang bukas pa tayo na mag-enter siya, tutulungan pa natin maghanap kung ano ang pwede niya kunin at saan niya kukunin sa ating bahay.. Marapat talaga na sa pag-proceed natin dito ay tinitiyak natin yung sovereignty ng ating bansa at hindi lang lip service ang ating gawin on this matter,” ang paalala naman ni Kabataan Party List Rep. Raoul Manuel sa DFA.

Sinabi ng departamento na patuloy na lumalago ang listahan ng mga bansa na sumusuporta sa The Hague ruling, pabor sa PIlipinas at kontra naman sa pag-angkin ng China sa South China Sea. Kris Jose