Pinas bukas sa turista, estudyante, mamumuhunang Tsino-PBBM

Pinas bukas sa turista, estudyante, mamumuhunang Tsino-PBBM

January 4, 2023 @ 7:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga turista, mag-aaral, at mamumuhunan mula sa China na dumalaw sa Pilipinas habang ang mundo ay papunta na sa new normal.

“I will invite our Chinese neighbors to once again return to the Philippines as tourists, as students, investors,”ani Marcos bago tumulak papuntang Beijing para sa kanyang state visit.

“Aside from sharing the wonders of our archipelago with our Chinese friends, strengthened people-to-people exchanges will allow us to bridge gaps in understanding between our two countries at every level,” aniya pa.

Dagdag pa ni Marcos na isusulong niya ang pagpapatuloy ng kooperasyong pangkultura sa pagitan ng dalawang bansa sa kanyang paglalakbay, ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detalye.

Ang imbitasyon ay kasunod ng pagtatag ng iba’t ibang mga bansa ng paghihigpit sa mga byahero mula sa Tsina papasok sa kani-kanilang borders bunsod pa rin ng pagkalat ng COVID-19.

Nauna nang ipinag-utos ng Health Department ang pagtaas ng surveillance sa lahat ng pasahero mula sa East Asian giant, gayundin ang pinaigting na border control protocols. RNT