Pinas bumili ng 2 helicopter sa Turkey

Pinas bumili ng 2 helicopter sa Turkey

December 9, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Disyembre 9 ang ceremonial blessing sa dalawang “ATAK” helicopters.

Ito ang karagdagan sa air assets ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon sa Office of the Press Secretary, ang dalawang air assets ay binili ng bansa mula Turkey sa ilalim ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagpasalamat naman si Marcos sa Turkish Aerospace Industries at pamahalaan ng Turkey sa pagtulong na mapalakas pa ang Philippine military.

Kasabay nito, kinilala rin ng Pangulo ang pagsisikap ng PAF sa iba’t ibang larangan tulad ng external defense, internal security operations, disaster response at relief operations. RNT/JGC