Pinas ‘bumoto’ para kondenahin ang Russia sa giyera sa Ukraine

Pinas ‘bumoto’ para kondenahin ang Russia sa giyera sa Ukraine

March 1, 2022 @ 8:30 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Boboto ang Pilipinas ng “yes” sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na naglalayong kondenahin ang “unprovoked armed aggression” ng Russia sa Ukraine.

Sa isang kalatas na ihahayag sa special emergency session ng UNGA, aapela ang delegasyon ng Pilipinas para sa proteksyon ng mga sibilyan at pagtatapos ng labanan.

Idagdag pa na “while an offense can be stopped at will, the defense cannot rest until the offense stops.”

“We call for massive assistance commensurate with the growing humanitarian crisis and echo the UN Secretary General’s appeal for respect of humanitarian principles to protect civilians and civilian infrastructures in Ukraine.”ayon sa kalatas.

Ang hakbang na magdaos ng UNGA emergency session, na nagsimula ng alas:10 ng umaga (local time habang 11:00 ng gabi, Philippines time) ay bunsod ng paggamit ng Russia ng veto nito, araw ng Biyernes na i-block ang Security Council resolution na nagkokondena sa paglusob ng Moscow at ang panawagan na agad na i-withdraw ang tropa nito.

“Russia voted against the resolution, but it did not have veto power to derail the referral of the war to the General Assembly, allowed under a 1950 resolution called “Uniting for Peace.” ayon sa ulat.

Sinabi naman ng UN, ito ang unang UNGA emergency special session na isasagawa simula noong 1982.

Sa ulat, nilusob ng puwersa ng Russia ang Ukraine by land, air at sea araw ng Huwebes, Pebrero 24. Inulan ng mga Russian missile ang mga lungsod sa Ukraine at may mga ulat na tumawid na ang mga sundalo sa border.

Ang mga pagsabog ay narinig madaling araw sa kapitolyo ng Kyiv. Umalingawngaw ang putok ng baril, umugong ang sirena sa buong lungsod at ang highway palabas ay nabulunan ng trapiko habang lumilikas ang mga residente.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang layunin ng Kremlin lider na si Vladimir Putin ay sirain ang kanyang bansa.

Inilunsad ni Putin ang ganap na paglusob sa Ukraine. Ang mapayapang mga lungsod sa Ukraine ay nasa ilalim ng strikes, sabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba sa Twitter.

Ito ay isang digmaan ng agresyon. Ipagtatanggol ng Ukraine ang sarili at mananalo kami. Dapat pigilan ng mundo si Putin. Ang oras para kumilos ay ngayon na.

Iniulat ng Ukraine na ang mga hanay ng sundalo ay kumikilos sa kanilang border patungo sa silangang bahagi ng Chernihiv, Kharkiv at Luhansk, at magla-land sa dagat sa port cities ng Odessa at Mariupol sa timog.

Sinabi ni European Union foreign affairs chief Josep Borrell: Ito ang pinakamadilim na oras sa Europa mula noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Ukraine, isang demokratikong bansa na may 44 milyon na tao at mahigit 1,000 taon ng kasaysayan, ay ang pinakamalaking bansa sa Europa by area kasunod ng Russia. Bumoto ito para makamtan ang kanilang independensiya nang bumagsak ang Soviet Union, at naglalayon na sumali sa North Atlantic Treaty OrganizationNATO at European Union, mga aspirasyon na ikinagalit ng Moscow.

Si Putin na itinanggi sa loob ng maraming buwan na wala siyang plano na sumalakay, ay tinawag ang Ukraine na isang artipisyal na creation na inukit mula sa Russia ng mga kaaway nito — isang characterization na tinatawag ng Ukrainians na kagulat-gulat at hindi makatotohanan.

Tatlong oras matapos ideklara ni Putin ang kanyang order, sinabi ng Defence Ministry ng Russia na napabagsak na nito ang military infrastructure sa Ukrainian airbases at pinahina ang kanilang air defences.

Bago iyon, iniulat ng Ukrainian media na ang military command centres sa Kyiv at Kharkiv ay tinamaan ng mga missile, habang ang mga Rusong sundalo ay dumating sa port cities ng Odessa at Mariupol. Isang witness mula sa Reuters ang nakarinig ng isang malakas na pagsabog sa Mariupol.

Inanunsyo ng Russia na isasara nito ang lahat ng shipping sa dagat ng Azov. Kontrolado ng Russia ang strait na patungo sa dagat kung saan mayroong mga port ang Ukraine, kabilang ang Mariupol. Umapela ang Ukraine sa Turkey na pagbawalan ang mga barko ng Russia mula sa mga strait na nagkokonekta sa Black Sea at Mediterranean.

Nakapila ang mga tao para mag-withdraw ng pera at bumili ng mga supply ng tubig at pagkain sa Kyiv. Kris Jose