Pinas dapat balanse ang relasyon sa US at China

Pinas dapat balanse ang relasyon sa US at China

August 10, 2020 @ 1:55 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dapat umanong maging balanse ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika at sa China para mapangalagaan ang interest ng bansa sa South China Sea, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayong Lunes.

Natanong kasi si Lorenzana sa isang TV interview kung mahalaga ba ang presensya ng tropa ng sundalong Amerikano sa mga pinag-aagawang teritoryo na may interes ang Pinas.

“Maybe, pag ka nandiyan ‘yung mga Amerikano eh okay ‘yun.  But they cannot always stay here in South China Sea. They have to come here from nearest bases in Guam and in Okinawa and have to leave. Tayong maiwan dito,” ani Lorenzana.

Dahil dito, iginiit ng Defense Chief na dapat maging balanse pa rin ang pakikitungo ng Pilipinas sa dalawang superpowers para maprotektahan ang interes ng bansa.

“We have to balance our relationship with each of these superpowers to protect our interest. Hindi naman tayo puwedeng makipag-exercise diyan na kasama sila. First, wala naman tayong isasabak na mga equipment natin… Our frigates are not armed, mayroon pa tayong limited ships. So we cannot participate with them,” giit niya.

“Ang problema natin kung umalis sila, tayo maiwan dito. We are left here and we have to deal with the Chinese whether we like it or not. They are a close neighbor. They’re always there, hindi naman aalis ‘yan eh. So I think we have to manage our relationship with the Chinese,” paliwanag ni Lorenzana.

Sa huli, kailangan ding isaalang-alang ng Pilipinas kung ano nga ba ang interes ng dalawang malalaking bansa sa South China Sea.

“Ano ba ang interest ng US dito sa South China Sea? I think their main interest is the freedom of navigation via sea and by the air. According to them, they do not want the area to be declared by the Chinese as a territory and will have to ask permission to pass through,” giit ni Lorenzana.

Sa kabila nit, sinabi rin ni Lorenzana na hindi dapat mangialam ang Pinas sa kompetisyon sa pagitan ng United States at China.

“Nagtatapunan sila ng accusations. I don’t think we should be involved in those kind of big power rivalry.”

Matatandaang nagpahayag si US Secretary of State Michael Pompeo nitong nakaraang buwan ng kahandaan ng Amerika na umagapay sa kanilang Southeast Asian allies sa pagprotekta nito sa kanilang mga nasasakupan alinsunod sa karapatan at obligasyon sa ilalim ng international law.

Tinukoy ni Pompeo ang pag-aangkin ng Beijing sa ibang karagatan na “completely unlawful, as is its campaign of bullying to control them.”

Rumesbak naman ang China at sinabi “unjustified’ at “bid to sabotage regional peace” ang mga alegasyon ng US. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...