Pinas dapat handa sa mga bagong teknolohiya sa COVID-19 test

Pinas dapat handa sa mga bagong teknolohiya sa COVID-19 test

September 24, 2020 @ 5:09 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat na dapat maging handa ang Pilipinas sa mga pagbabago kaugnay ng teknolohiya sa COVID-19 test.

“Dapat po ang Pilipinas ay handa at mabilis din mag-adopt pero siyempre kailangan natin i-validate ‘yung accuracy at ‘yung efficiency nung mga test na ito,” ani Deputy Chief Implementer and Testing Czar Secretary Vince Dizon sa National Task Force press briefing.

“Meron tayong proseso sa Pilipinas, meron tayong mga eksperto,” punto pa nito.

Ayon pa kay Dizon, tiwala sila na dapat maging bukas ang Pilipinas sa mga bagong teknolohiya para sa mas maayos na mga resulta ng pagsusuri.

Batay kay Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion, suportado niya ang breath test mula sa Israel-based tech-company.

“This new testing innovation, on top of the saliva COVID-19 testing that we initially supported, will enhance the country’s testing arsenal, keep the economy open, and help our micro, small, and medium enterprises in different hard-hit sectors who are struggling the most. This will also ensure that we are using all available tools to combat the spread of the disease,” giit pa ni Concepcion. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...