Pinas dapat mamuhunan sa blue carbon-Legarda

Pinas dapat mamuhunan sa blue carbon-Legarda

October 28, 2022 @ 9:53 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Loren Legarda ang gobyerno ng Pilipinas na mamuhunan sa blue carbon initiatives sa pamamagitan ng pamamahala ng sustainable marine resources at marine-linked sectors.

Ipinananawagan ito ni Legarda matapos siya makipagpulong kasama ang pito pang senador sa kanilang French counterparts at talakayin ang ilang bagay kabilang ang climante change

“We need to invest in blue carbon initiatives that will help protect our coral reefs, seagrass beds, lush mangrove forests, and other coastal and marine [resources.] Let us implement Philippine environmental laws in our efforts to bring back the bounty and restore the ecological integrity of our bodies of water,” ayon kay Legarda.

Ayon kay Legarda, kasama sa pagbubuo ng isang blue carbon economy  ang paglikha ng ocean sector at negosyo na pawang socially just, environmentally sustainable at economically profitable.

“The risks are rapidly growing, not only for those in coastal communities, as climate change drives rising sea levels, warmer oceans and increasingly ferocious cyclones. We need to recalibrate our strategies on climate change adaptation, invest in blue carbon initiatives, and embrace the available solutions that nature presents to us,” ayon kay Legarda.

Ipinaliwanag ni Legarda na ibig sabihin ng blue carbon ang “nasamsam at naimbak na karbon sa ecosystem ng dalampasigan at karagatan tulad ng  mangroves, seagrasses, at tidal marshes.”

“Sequestered carbon from the atmosphere is locked as biomass for a long period, functioning as what is referred to as a carbon sink. Despite being considerably smaller compared to forests, these coastal systems have high sequestration potential for millions of years and are up to a hundred times faster when in healthy condition,” aniya sa pahayag.

Sinabi ni Legarda na magsisilbi ang mangroves at seagrass sa dalampasigan na palaging sinasalantang komunidad bilang panggalang laban sa s  storm surges, pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang climate hazards.

Aniya, nailalarawan ang ating yaman sa dalampasigan ng mayamang marine life na palaging mapagkukunan ng pagkain, trabaho, enerhiya at kahit aliwan.

Kaya umapela siya sa nationa at local government units na tumulong upang matiyak na tama ang implementasyon ng batas sa kapaligiran tulad ng   Ecological Solid Waste Management Act, Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at Clean Water Act.

Aniya, naisabatas ang mga ito para sa konserbasyon, preserbason  at proteksiyon ng yaman dagat, wildlife at   biological diversity.

Walong senador ang nagtungo sa France upang palakasin ang bilateral relationship ng dalawang bansa na pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri, kabilang sina   Legarda , Senate Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito, and Senators Lito Lapid, Nancy Binay, Grace Poe, at Christopher “Bong” Go. Ernie Reyes