Pinas dapat nang may sariling produksyon ng COVID vax – VP bets

Pinas dapat nang may sariling produksyon ng COVID vax – VP bets

March 21, 2022 @ 9:40 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Dapat nang makapag-produce ngayon ang Pilipinas ng bakuna laban sa COVID-19 sa halip na umangkat nito matapos ang dalawang taon nang magsimulang pumutok ang pandemiya.

Sina vice presidential candidates Senate President Vicente “Tito” Sotto III at former Akbayan Rep. Walden Bello at limang iba pang vice presidential hopefuls na dumalo sa PiliPinas Debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Linggo ay tinanong sa kung ano ang kanilang plano sa pagharap sa pandemiya sakali’t mahalal sa nalalapit na May national elections.

Sinabi ni Sotto na dapat nang itigil ng bansa na umasa sa imported vaccines at iba pang medical equipment at iginiit na simulan na ang pagmamanupaktura nito.

“Ngayon para mapaghandaan na ito at hindi na ito maulit kahit ano pang virus ang dumating sa atin, dapat tayo na ang nagma-manufacture ng bakuna, ng PPEs (personal protection equipment), mga syringes, mga needles pati cotton para matigil na ang importation. Yun ang dapat asikasuhin ng gobyerno na tayo na ang nagpo-produce nitong mga ito,” ayon kay Sotto.

Sinang-ayunan naman ni Bello ang naging pahayag ni Sotto sa pangangailangan na simulan ang locally produce na COVID-19 vaccines.

“Sumasang-ayon ako kay Senator Sotto that we should really try developing our manufacturing capacity for vaccines,” ayon kay Bello.

Tinukoy ni Bello na may multinational pharmaceutical companies ang “blocking” global south countries gaya ng Pilipinas mula sa pagkakaroon ng teknolohiya na makapag-produce ng COVID-19 vaccines.

“The government must really actively work with other countries in the global south to break this monopoly on trade related intellectual property rights,” ayon kay Bello. Kris Jose