Pinas, dapat sumunod sa One-China policy – Chinese envoy

Pinas, dapat sumunod sa One-China policy – Chinese envoy

August 3, 2022 @ 9:20 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang Pilipinas na sundin ang One-China policy sa gitna nang napaulat na dadaan si US House Speaker Nancy Pelosi sa bansa patungong Taiwan.

“The One-China principle is an international consensus and universally recognized basic norm governing international relations. It is also the political foundation of China-Philippines relations. It is our hope that the Philippine side will strictly abide by the One-China principle and handle all Taiwan-related issues with prudence to ensure sound and steady development of China-Philippines relations,” ayon kay Huang.

Si Pelosi, namuno sa six-member US congressional delegation, ay nasa Asian swing ngayong linggo.

Sa ulat, si Pelosi, mula sa Malaysia, ay magkakaroon ng brief stopover sa Clark, Pampanga—dating US military base—sa kanyang pagpunta sa Taiwan.

Gayunman, sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na ang bansa ay “has not received any request from the US government or their embassy in Manila for Pelosi to transit and/or visit the Philippines as part of her current swing of visits to the region.”

Sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng US at China dahil sa posibleng Taiwan trip ni Pelosi, sinabi ni Daza na masusing mino-monitor ng Pilipinas ang mga kaganapan sa bagay na ito.

Nanawagan din si Daza sa US at China “to ensure continuing communication to avoid any miscalculation and further escalation of tensions.”

“We trust that China and the United States will be responsible actors in the region,” dagdag na pahayag nito.

“In deference to the One-China policy, the Philippines does not have diplomatic ties with Taiwan, a democratic self-ruling island that has been separated from the Chinese mainland since 1949 but is still claimed by China as part of its territory,” ayon sa ulat.

Ang pagbibigay aniya ng access kay Pelosi sa Pilipinas para sa brief stopover nito ay maaaring maging dahilan para maghain ng diplomatic protests ang China laban sa Pilipinas.

Sa ulat, darating si Pelosi sa Taiwan, Martes ng gabi ay mag- overnight siya. Magdaraos din siya ng meeting, kinabukasan, kasama si Taiwan’s president Tsai Ing-wen.

“China firmly opposes any official exchange or visit between the US and Taiwan region of China. This position is clear and consistent. There is only one China in the world,” ayon kay Huang, binigyang diin nito na ang Taiwan ay “an inalienable part of China’s territory.”

“The government of the People’s Republic of China is the sole legal government representing the whole of China. The One-China principle is the political foundation of the diplomatic relations between China and 181 countries in the world, including the US,” aniya pa rin.

Ani Huang, ang pagbisita ng Speaker of the US House of Representatives “at any time in whatever name is by no means an unofficial exchange between the United States and the Taiwan region of China.”

Nagbabala naman si Huang na ang China ay gagawa ng “strong and resolute measures.”

“The US side and ‘Taiwan independence’ separatist forces must assume full responsibility for any ensuing consequences,” aniya pa rin. Kris Jose