Pinas ‘di lang ang bansang may resesyon – Palasyo

Pinas ‘di lang ang bansang may resesyon – Palasyo

August 6, 2020 @ 6:51 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Habang inasahan na ng Malakanyang ang pagbagsak ng Gross Domestic Product growth rate resulta ng mga ipinatupad na lockdown sa bansa dahil sa coronavirus disease, ay nag-aalala naman ito sa mabilis na pagbaba nito na maituturing na mas malala sa inaasahan ng mga government economists.

Binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi lamang ang Pilipinas ang bansang nahaharap sa economic situation.

Aniya, ang COVID-19 ay mayroong salungat na epekto sa ekonomiya ng mga bansang gaya ng Singapore, Indonesia, Estados Unidos, France, Spain at Mexico.

Batid naman aniya ng Malakanyang ang hirap at pagdurusa ng mga mamamayang Filipino.

“We thus provided an emergency subsidy program, which is considered the largest single relief program in the country’s history, when we took the painful choice of imposing the strictest quarantine measure on our people,” ayon kay Sec. Roque.

“Our resolve to recover at the soonest possible, however, remains strong. Ingat buhay para sa hanapbuhay is our battlecry. The economic managers of the Administration have put together a phased and adaptive economic recovery program, PH-Progreso or the Philippine Program for Recovery with Equity and Solidarity, to fight the pandemic’s effects on business and livelihood,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa niya na na-calibrate na ng pamahalaan ang budget para sa susunod na taon at muling inumpisahan ang Build, Build, Build programs na ani Sec. Roque ay, “subject to health and safety protocols, to create jobs.”

“Per the Philippine Statistics Authority (PSA), the main contributors in our drop were the decline in manufacturing, construction, and transportation and storage – sectors that were greatly affected by our strict lockdown. We expect an improvement in the performance of these sectors during the second semester of the year, with our gradual reopening of the economy, as well as our proposed stimulus measures,” lahad ni Sec. Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na inulit ng Pangulo ang panawagan nito sa Kongreso na bilisan ang pagpapasa sa Bayanihan II, o Bayanihan to Recover As One, na magpapalakas sa second-semester offensive ng bansa laban sa COVID-19;

At ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act para tulungan ang mga negosyante na makabanhin at makalikha ng hanapbuhay para sa mga mamamayan.

“We assure everyone that the government will continue working round the clock to strengthen our resilience and bring us back to the path of inclusive growth,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, ni-revise ng mga economic managers ng bansa ang inaasahang performance ng ekonomiya sa buong 2020.

Ito ay matapos na bumagsak nang 16.5 percent ang ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon, mas mababa sa naunang projection ng bansa at pinakamalalang contraction simula 1981.

Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, binago ng Development Budget Coordination Committee ang Gross Domestic Product (GDP) estimate sa -5.5 percent ngayong taon kung saan ikinunsidera na ang epekto ng modified enhanced community quarantine na umiiral ngayon sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na magiging maganda ang maikling shutdown ng ilang bahagi ng bansa kung mababawasan ang mga tatamaan ng COVID-19 at mas maraming tao na ang makakapag-trabaho.

Mababatid na una nang sinabi ng mga otoridad na di na kakayanin pa ng bansa ang mas mahaba pang MECQ dahil sarado ang mga pampublikong transportasyon at mga negosyo. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...