Pinas ‘di pwedeng mamili sa US at Tsina – NSA Carlos

Pinas ‘di pwedeng mamili sa US at Tsina – NSA Carlos

August 6, 2022 @ 4:45 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Hindi pwedeng pumanig ang Pilipinas sa pagitan ng United States at China sakaling tumindi pa ang tensyon sa pagitan ng dalawang superpowers, ayon kay National Security Adviser Clarita Carlos.

“One major consideration is that as President [Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos] said, ‘China is our partner and friend, on the one hand, America is also our friend.’ We cannot choose either or, it doesn’t work that way. Our interest is to get whatever benefits we can from our relations with China and the US. And both countries I think did respect our decision regarding that,” pahayag ni Carlos nitong Biyernes.

Ikinagalit ng Asian superpower ang pagbisita kamakailan ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, na ayon sa China ay “breakaway province” nito, dahilan upang magsagawa ng Beijing ng pinakamalaki nitong military drill sa Taiwan Strait.

Para sa Pilipinas, sinabi ni Carlos na ang bansa “will just continue engaging with both parties/actors and the President has declared repeatedly that we will engage critically and constructively with both China and the US.”

“You really have to make a fine calibration of our relationship with these two political countries. On the one hand, China is our neighbor but at the same time we have a continuing conflict regarding the contested South China Sea, on the other hand, we have the Mutual Defense Treaty of 1951 so we are a defense ally of the US. So there are a lot of moving parts and our time right now cannot allow a very involved discussion on this issue,” patuloy niya. 

Sa pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan ay maaaring hindi nakaapekto sa US-China relations, subalit pinakita lamang nito ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang superpowers.

Inihayag naman ni Blinken na determinado ang US na pahupain ang tensyon sa Taiwan Strait upang tiyaking ligtas ang rehisyon, maging ang Pilipinas.

Iginiit naman ni Carlos na susunod ang Pilipinas sa One-China policy.

“Yes, we continue to take that stand. But, you will recall, we have 145,000 workers in Taiwan, mostly in the manufacturing industry. We have to protect them. That is why we have what we call MECO because they are the ones in charge of the consular requirements of the 145,000 Filipino workers,” aniya. RNT/SA