Pinas, drug war victims pinagkokomento ng ICC

Pinas, drug war victims pinagkokomento ng ICC

July 18, 2022 @ 7:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniatas ng isang pre-trial chamber ng International Criminal Court sa gobyerno ng Pilipinas at pamilya ng mga biktima ng drug war na mag-komento sa “request” ng ICC prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon ukol sa drug war sa bansa.

Sa isang kautusan, may petsang Hulyo 14, inimbitahan ng Pre-Trial Chamber ang Pilipinas na “provide observations” hanggang Setyembre 8 ukol sa posisyon ni ICC Prosecutor Karim Khan na payagan ang kanyang tanggapan na ipagpatuloy ang imbestigasyon makaraang matuklasan na “the Philippines has not demonstrated that it has investigated or is investigating its nationals or others within its jurisdiction” with respect to crimes cognizable by the international tribunal.”

Nilagdaan nina ICC judges Péter Kovács, Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera ang nasabing kautusan, parehong, ‘set of judges’ na nagbigay ng kapangyarihan sa ICC prosecutor noong Setyembre ng nakaraang taon na nagsabing simulan na ang pormal na imbestigasyon.

Matatandaang, Nobyembre 2021, hiniling ng Philippine government sa ICC prosecutor na ipagpaliban ang imbestigasyon na may kaugnayan sa drug war killings subalit matapos na suriing mabuti ang mga isinumiteng dokumento, nais na ngayon ni Khan na ituloy ang imbestigasyon.

“The Chamber considers it appropriate to invite the Philippines to submit any additional observations arising from the Prosecutor’s Request. If it wishes to do so, the Philippines must submit these additional observations by 8 September 2022 at the latest,” ang naging pahayag ng ICC pre-trial chamber.

Binigyan lamang si Khan ng hanggang September 22 na tumugon sa magiging komento ng Philippine government subalit kailangan na may paggalang sa “factual arguments as to whether the State ‘is investigating or has investigated its nationals or others within its jurisdiction with respect to criminal acts which may constitute crimes referred to in article 5 and which relate to the information provided in the notification to States’.”

“Article 5 of the Rome Statute lists down the crimes within ICC’s jurisdiction — genocide, crimes against humanity, war crimes and the crime of aggression.”

Tinitingnan kasi ng ICC prosecutor kung mayroong “crimes against humanity of murder” na nangyari sa Philippine drug war na naging malaganap o may systematic attacks laban sa civilian population alinsunod sa State policy. Kris Jose