Pinas handa laban sa monkeypox-DOH

Pinas handa laban sa monkeypox-DOH

August 4, 2022 @ 8:31 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Handa ang Pilipinas laban sa monkeypox.

Ito ang siniguro ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagkakatuklas ng unang kaso ng sakit sa bansa noong nakaraang linggo.

Batay sa pinakabagong impormasyon mula sa DOH, ang lahat ng malapit na kontak ng unang kaso ng monkeypox ay nananatiling asymptomatic.

Bukod sa virus, isa sa mga hamon kaugnay ng sakit ay ang maling impormasyon at diskriminasyon sa mga nahawahan.

Nilinaw din ni Vergeire na ang monkeypox ay hindi inuuri bilang sexually transmitted disease.

“Gusto natin klaruhin, monkeypox has not been classified as a sexually transmitted disease. The very reason na naiisip ito ay STD ay dahil sa presentasyon na pinapakita niya. Almost 95% of the cases all over the world was spread thru sexual contact,” ayon kay Vergeire .

Ayon na rin aniya sa World Health Organization, sinuman ay maaring ma-infect ng monkeypox.

Bukod sa karaniwang sintomas tulad ng lagnat at namamagang mga lymph node, sinabi ng WHO na nakakakita sila ng mga bagong pagpapakita ng sakit.

“This includes things that can be extremely painful and need medical care such as secondary infections, inflammation or swelling of the rectum. These are really conditions that require care. In addition, there can be the occasional conditions such as encephalitis which is inflammation of the brain,” sabi ni Dr. Rosamund Lewis ng WHO Technical Lead para sa Monkeypox.

Sa Pilipinas, ang ibang ahensya tulad ng Department of Transportation ay planong makipagtulongan sa DOH para makabuo ng mga posibleng guidelines para maiwasan ang viral transmission partikular na sa pampublikong transportasyon lalo na ngayon na ang public utility vehicles ay nag-ooperate na ng full capacity. Jocelyn Tabangcura-Domenden