Pinas handang gumastos ng P73B sa COVID-19 vaccine procurement

Pinas handang gumastos ng P73B sa COVID-19 vaccine procurement

December 5, 2020 @ 3:39 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Handang gumastos ang gobyerno ng P73 bilyon para sa pagbili ng coronavirus vaccines, batay sa ulat.

Sa public press briefing , sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado na ang bansa ay may kasalukuyang P10 bilyong standby funds sa ilalim ng Bayanihan 2, habang mayroon ding P2.5 bilyong initial budget para sa vaccine procurement sa proposed national budget for 2021.

“Sa huling report ni [Finance chief] Sonny Dominguez in the last meeting namin ay sinabi niya na nakahanda na ang ating pamahalaan na gumastos ng hanggang P73 billion para nang sa ganoon ay ma-vaccinate natin ang 60 milllion Filipinos or more para ma-attain ang herd immunity,” saad ni Avisado.

Kasabay nito, tiniyak din ng opisyal na naghahanap ang gobyerno ng iba pang paraan para sa vaccine procurement tulad ng paghiram sa World Bank and the Asian Development Bank.RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...