Pinas handang umalalay sa Russia-Ukraine conflict, natural calamity

Pinas handang umalalay sa Russia-Ukraine conflict, natural calamity

November 13, 2022 @ 2:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Handa ang Pilipinas na pangasiwan ang panganib na dulot ng Russia-Ukraine conflict at ang matinding epekto ng natural calamities.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon sa  Office of the Press Secretary (OPS).

Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang mga ito ang dahilan kung bakit nagtuloy-tuloy ang  inflationary pressures sa pagkain, transportasyon at enerhiya.

Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na habang ang Pangulo ay nagsasagawa ng kanyang interbensyon sa Second ASEAN Global Dialogue, binigyang diin ng Pangulo na magagawa lamang ang risk management  sa pamamagitan ng  Medium-Term Fiscal Program at ang nalalapit na  Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028,  na naglalaman ng “targets at strategic actions” ng gobyerno sa susunod na anim na taon.

“I am quite optimistic that we have started along the path to recovering from the COVID-19 pandemic and the attendant problems in our economy,” wika ng Pangulo.

Bukod dito, sinabi pa ng Pangulo na nagpakita ang GDP ng rebound growth rate na 5.7-percent noong 2021 at 7.8-percent average growth rate para sa first half ng 2022.

“These numbers are welcome indicators. They show that our recovery is proving to be robust and that we are returning to our original growth trajectory prior to the crisis,” diing pahayag nito.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na “everyone is not out of the woods yet.”

Sinabi pa rin ni Pangulong Marcos  na walang ‘single country ang makakamit ang economic progress ng nag-iisa.

“We, as ASEAN, must promote a people-oriented and people-centered recovery and development pathway beyond the COVID-19 pandemic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos. Kris Jose