Pinas, hindi baon sa utang – Sec. Dominguez

Pinas, hindi baon sa utang – Sec. Dominguez

July 7, 2018 @ 9:15 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Itinatwa ni Finance Sec. Carlos Dominguez III  na baon na sa utang ang Pilipinas dahil sa pagsusulong ng gobyerno sa proyektong pang-imprastraktura na Build, Build, Build program.

Ani Sec. Dominguez, steady pa rin sa 42.1 percent ang debt percentage sa gross domestic product katulad noong 2016.

Tiwala ang Kalihim na ang mabilis na pag-unlad ng domestic economy ay magiging dahilan para mabawasan ang utang panlabas ng bansa at bumaba ito sa 39 percent sa 2022.

Sa ulat, nangamba ang publiko na baka mabaon sa utang ang Pilipinas dahil  mas gusto pa nito na mangutang sa China na binabatikos dahil sa pagpapautang kapalit umano ng pakikialam sa pinautang na bansa.

Sa kabilang dako, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isang loan agreement lang ang pinirmahan ng Pilipinas at China na gagastusin sa P3.135 billion Chico River Pump Irrgation Project. (Kris Jose)