Digong pikon sa’kin – VP Leni

March 3, 2021 @7:59 PM
Views:
48
Manila, Philippines – Tinumbok ni Vice-President Leni Robredo ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pikon sa kanya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Una na aniya ay hindi sanay si Pangulong Duterte na napupuna at pangalawa naman ay hindi sanay ang Pangulo na may sumasalungat sa kanya dahil kapag may gumagawa aniya gaya niya na pinupuna at sinasalungat ang Chief Executive ay umiinit na ang ulo nito.
“Hindi siya sanay na napupuna. Hindi siya sanay na may sumasalungat kaya everytime na may pumupuna o may sumasalungat.. umiinit ang ulo niya. Pero para sa akin, alam ko na iyon, gusto ko rin namang iwasan pero hindi naman puwede sa mga importanteng issues eh hindi ako magsasalita,” ayon kay Robredo.
“So, ako kahit alam ko na iyong reaction ginagawa ko pa din. kasi para sa akin, in- elect naman ako pareho nya, mayroon akong mandato na i-represent iyong mga .. hindi lang iyong mga bumoto paraa sa akin,.. may mandato ako na i-represent ang mga tao. So, paar sa akin karapatan ko lang din at responsibilidad ko na pinapahayag iyong mga saloobin ko sa mga bagay na mahahalaga,” dagdag na pahayag nito.
Sinusubukan naman niya na huwag gumawa ng kontrobersiya gaya na lamang aniya ngayon sa usapin ng bakuna kung saan aniya ay imposible na hindi niya ito punahin dahil alam niyang may mali sa proseso.
“Halimbawa ngayon, iyong bakuna.. imposible naman na hindi ko… na mali..mali na hindi ko sasabihin ang aking mga puna. dahil from the very start ang dami ko ng suggestions. At iyon nga, hindi iyon puna. Iyon ay suggestions.. pag galing sa akin laging hindi welcome pero kasi minsan.. nangyayari na talagang kung sinunod lang iyong suggestions natin hindi sana ito nangyayari. So sa akin.. para sa akin… responsbility iyong mga sinasabi ko. Sinasabi ko iyong mga tingin ko kailangan kong .. iyon nga kailangan kong i-suggest para sa kabutihan naman ng lahat eh,” saad pa ni Robredo.
Hinggil naman sa sinabi ng Pangulo na siya ay puro lamang daldal at puro puna at kulang sa gawa ay sinabi ni Robredo na hindi niya kailangang depensahan ang kanyang sarili.
Sa mga nakakaalam naman kasi sa kanyang tanggapan ay napakalayo ng mga sinabi ng Pangulo sa katotohanan.
“Since 2016 nagpupunta ami sa mga pinakamalalayo, pinakamahihirap na communities para punuan iyong mga pagkukulang. iyon naman ang ginagawa namin. Bawat sakuna nandiyan kasmi. kadalasan kami ung pinakauna na nasa ground. kaya iyong pagdepensa wala kaming ginagawa.. hindi ko na iyon gagawin kasi iyong mga nakakakita ng ginagawa namin, alam kung ano ang ginagawa namin,” lahad nito.
At sa isyu naman na sinabi ng Pangulo na siya’y “trying to be relevant” “with angelic face but with evil mind” ay sinabi ni Robredo na para aniya itong silver lining dahil inamin aniya ng Pangulo na siya ay angelic face.
Para aniya sa kanya ay ayaw niyang bumaba sa ganoong level ng usapin.
Karapatan aniya ng Pangulo na isipin at sabihin kung ano ang nais niyang sabihin na kahit para sa kanya ay “unbecoming iyon”.
Giit ni Robredo na para sa kanya ay hindi aniya mahalaga ang mga sinasabi ni Pangulong Duterte lalo pa’t hindi na nga aniya siya nasasaktan sa mga sinasabi ng Pangulo sa kanya.
‘Hindi na nga ako nasasaktan. Hindi ako nasasaktan. nalulungkot siguro. Nalulungkot na iyong mga discussions na kailangan sanang mataas, iyong discussions tungkol sa policies .. kailangan sana maayos pero parang binababa siya sa level na bastusan na sa tingin ko eh hindi natin ito kailangan. Kaya para pumatol sa ganoong klaseng usapin, tingin ko.. nagsasayang ako ng oras.” Kris Jose
LandBank magpapahiram ng P50K sa mga stude pambili ng gadgets sa pag-aaral

March 3, 2021 @7:50 PM
Views:
51
Manila, Philippines – Pinalawig pa ng Land Bank of the Philippines ang kanilang direct loan program para sa mga estudyante na hanggang P50,000 para sa pagbili ng electronic gadgets tulad ng laptops, desktops, o tablets para sa online learning.
Kasama sa expanded program ang maximum loanable amount naP150,000 bawat estudyante at P300,000 sa bawat parent-borrower para sa tuition at enrollment-related fees sa ilalim ng Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth (I-STUDY) Program.
“LandBank recognizes the need to support students in adapting to distance learning modalities,” lahad ni president and chief executive officer Cecilia Borromeo.
“While we await the resumption of in-person classes, we hope that the I-STUDY Program can help students cover the financial requirements to purchases needed learning equipment and participate in online classes.”
Kasama na rin dito ang scholar students na ang scholarships ay hindi sakop ng tuition fees maging ang non-scholar students mula sa private pre-school, primary, at secondary schools. RNT/FGDC
Lorenzana sa military retirees’: Magpasensya pa sa pension delay

March 3, 2021 @7:42 PM
Views:
69
Manila, Philippines – Hinikayat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga retired militar at uniformed personnel na maging mapagpasensya pa sa delay sa 2018 pension differentials.
Ang pondo aniya sa programa ay ginamit para sa COVID-19 response.
“Kung pwede lang po sana ay maghintay lang tayo ng konting panahon dahil ‘yung pera kinain ng COVID at marami tayong pagkakagastusan dito. Bibili pa tayo ng vaccines so baka hindi kayanin,” saad ni Lorenzana.
Tinatayang P20 bilyon ang natapyas sa Pension and Gratuity Fund (PGF) para sa retired uniformed personnel sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA).
Giit niya, ‘there’s no harme done’ sa delay sa 2018 pension differentials para sa retired military at uniformed personnel.
“Huwag nating pilitin ang gobyerno na mangutang para ibayad sa inyo. Anyway, dinoble naman ang pension ninyo since 2018, except ‘yung four months—January to April—so palagay ko hindi kayo mahihirapan,” lahad pa nito.
“Kung hindi nyo makuha ‘yung arrears niyo na four months ay maghihirap kayo? Hindi naman siguro. Kasi hindi naman tumigil ang pension nyo, hindi naman nababawasan,” RNT/FGDC
Port workers target pabakunahan ng PPA sa Q3 o Q4

March 3, 2021 @7:34 PM
Views:
43
Manila, Philippines – Plano ng Philippine Ports Authority (PPA) na isagawa ang vaccination program sa kanilang mga empleyado mula sa pampubliko at pribadong sektor sa ikatlo o ikaapat na kwarter ngayong taon.
“In so far as [the] PPA is concerned, we’re trying to work out a vaccination program for port workers at operators sa PPA terminals,” saad ni PPA general manager Jay Santiago sa virtual press conference.
“Magkakaroon po tayo ng comprehensive vaccination program. Hopefully within the third or fourth quarter of the year.”
Hiwalay pa aniya ito sa mass inoculation program ng Department of Health.
“Hiwalay ito dun sa program ng DOH, program ito ng private sector,” ani Santiago.
“Aasahan po natin na within third to fourth quarter this year, kapag pumasok na ang available na bakuna.” RNT/FGDC
Pinoy, 2 Nigerian sa Las Piñas tiklo sa online fraud

March 3, 2021 @7:26 PM
Views:
53