Pinas hirap makakuha ng COVID vax brand galing Western countries

Pinas hirap makakuha ng COVID vax brand galing Western countries

September 21, 2021 @ 6:20 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – INAMIN ng Malakanyang na mahirap hanapin ang Western-brand vaccines laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na nagpakita ng “low acceptability” o mababang pagtanggap ang Davao City sa mga Chinese-made vaccines lalo na sa Sinovac at Sinopharm.

Sa ulat, ito ang nais na iparating ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa posibleng aksyon, na sinasabing kabilang sa pagbili ng mas maraming western-made jabs ng pamahalaan.

“On behalf of IATF, sino bang may ayaw ng western brands? Ang problema lang, talagang hindi natin nakukuha ang supply,” ayon kay Sec. Roque.

“We ordered 40 million pero nakikita niyo naman they come in trickles. Ang dumarating pa, mga COVAX supply, yung mga donated. Pero yung mga binibili natin, talagang they been coming in trickles.”

Ang global shortage sa vaccine supply ay umuulit lamang na problema ng bansa pagdating sa mass inoculation program laban sa covid-19 na nagsimula noong Maro 1, 2021.

Binigyang diin ni Sec. Roque na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa pumipila para makakuha ng western vaccines.

“Lahat po tayo may preference, pero gustuhin man natin ang mga western brands, hindi po talaga dumarating. And the Philippines is not alone,” saad pa nito.

Sa ngayon, makabubuting paalalahanan pa rin ang mga filipino na ang lahat ng COVID-19 jabs na inaprubahan para magamit sa Pilpinas ay epektibo.

“Lahat po ng pag-aaral ay nagpapakita na pati po ang Sinovac, ang mga Chinese vaccines ay epektibo po laban sa seryosong pagkakasakit at laban sa kamatayang dulot ng COVID-19,” aniya pa rin.

Samantala, sa 64.9 milyong bakuna na nakuha ng Pilipinas ay kalahati nito o 36 milyon ay Sinovac.

Ang Pfizer vaccine naman ang “most preferred” sa hanay ng western brands–stand. Kris Jose


  •  
  •  
  •