Pinas, humirit ng  maritime cooperation sa Norway

Pinas, humirit ng  maritime cooperation sa Norway

March 16, 2023 @ 12:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Hangad ng Pilipinas na magkaroon ng  maritime cooperation sa bansang Norway dahil sa layunin nitong palakasin ang ugnayan sa Europa.

Ang kagustuhan na ito ng Pilipinas ay ipinahayag sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Philippine Ambassador to Norway Enrico Fos kay Ine Eriksen Søreide, miyembro ng  Norwegian Parliament, sa  Stortinget.

Si Søreide ay  chairperson ng  Expanded Committee on Foreign Affairs and Defense ng  Norwegian Storting (Parliament).

Isang senior politician, nagsilbi bilang Defense Minister mula  2013 hanggang 2017 at Foreign Minister mula 2017 hanggang 2020. Naugnay din siya sa “defense, security, foreign affairs at  European Union committees” sa  Storting.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang kasalukuyan at  future engagements ukol sa  maritime cooperation ay tinalakay ng dalawang opisyal habang nagpalitan ng mga pananaw hinggil sa  international at regional issues, kabilang na ang Russia-Ukraine war at ang West Philippine Sea.

Wala namang nabanggit ang DFA  ukol sa partikular na klase o uri ng maritime cooperation na nais ng Maynila mula sa  Oslo.

“Meanwhile, oceans and marine pollution, renewable energy, defense and security, and people to people partnerships, particularly on technical cooperation and exchange of knowledge on these issues, were also tackled,” ayon sa DFA.

“Ambassador Fos mentioned that this year is the 75th anniversary of bilateral relations between the Philippines and Norway,”  ayon pa rin sa departamento.

Ngayong taon  “would be a good opportunity to take stock of the relations and look for avenues for more growth, to which MP Søreide agreed, and also appreciated the good relations between the two countries over the years,” dagdag na pahayag ng DFA. Kris Jose