Pinas, ika-7 pinakamagandang snorkeling site sa buong mundo-study

Pinas, ika-7 pinakamagandang snorkeling site sa buong mundo-study

July 29, 2022 @ 5:11 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinanghal ang Pilipinas bilang ikapitong pinakamagandang destinasyon para mag-snorkeling sa buong mundo.

Base sa isang pag-aaral ng Bounce, isang luggage storage company, ay sinuri ang mga dagat sa buong mundo, sinuri ang kanilang mga coral reef na lugar, bilang ng mga species ng isda, at mga available na snorkeling tour upang ipakita ang pinakamahusay na mga bansa para sa aktibidad na ito.

Kabilang sa iba pang mga kadahilanan ang porsyento ng global plastic waste emission at sea temperature.

“Snorkeling allows us to recreationally observe and explore the alien worlds just under the ocean surface and it can also leave us with some lifelong memories,” anang kompanya sa kanilang website.

“The sea is one of the most beautiful views in the world. Exploring under the ocean is even more spectacular. There are stunningly bright coral reefs to swim through and excitingly unique animals to discover.”

Sa Pilipinas, ang pinakasikat na snorkeling spot para sa mga karanasang ito ay sa Palawan, Batangas, Cebu, Bohol, at marami pa.

Nanguna ang Australia sa Bounce list, ito ay dahil sa sikat nitong Great Barrier Reef, tahanan ng pangalawang pinakamalaking coral reef area sa mundo.

“Australia also contributes 0% to global plastic waste emission, actively keeping our oceans clean,” saad sa pag-aaral.

Ang Maldives ay nasa pangalawang puwesto, kasama ang United States at Cuba sa ikatlo.

Kabilang sa iba pang mga bansa sa listahan ang Bahamas, Papua New Guinea, Indonesia, Fiji, at Micronesia. RNT