Pinas ika-78 sa 2023 Henley Passport Index

Pinas ika-78 sa 2023 Henley Passport Index

January 20, 2023 @ 4:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umakyat ng tatlong pwesto ang Pilipinas bilang ika-78 sa 109 bansa sa Henley Passport Index ngayong taon.

Base sa website ng Henley & Partners, isang residence at investment firm, ang Henley Passport Index ay ang orihinal at authoritative ranking ng lahat ng pasaporte sa mundo, ayon sa bilang ng destinasyon na maaaring puntahan ng holders kahit na walang visa.

Parehong nasa ika-78 pwesto ang Pilipinas at Uganda na may visa-free access sa 67 bansa. Kabilang sa mga bansang ito ang sumusunod:

  • Armenia

  • Barbados

  • Bolivia

  • Brazil

  • Brunei

  • Burundi

  • Cambodia

  • Cape Verde Islands

  • Colombia

  • Comoro Islands

  • Cook Islands

  • Costa Rica

  • Cote d’Ivoire

  • Dominica

  • Fiji

  • Guinea-Bissau

  • Haiti

  • Hong Kong (SAR China)

  • Indonesia

  • Iran

  • Israel

  • Kazakhstan

  • Kyrgyzstan

  • Laos

  • Macao (SAR China)

  • Madagascar

  • Malawi

  • Malaysia

  • Maldives

  • Marshall Islands

  • Mauritania

  • Mauritius

  • Micronesia

  • Mongolia

  • Morocco

  • Mozambique

  • Myanmar

  • Nepal

  • Nicaragua

  • Niue

  • Pakistan

  • Palau Islands

  • Palestinian Territory

  • Papua New Guinea

  • Peru

  • Rwanda

  • Samoa

  • Senegal

  • Seychelles

  • Singapore

  • Somalia

  • Sri Lanka

  • St. Lucia

  • Saint Vincent and the Grenadines

  • Suriname

  • Taiwan

  • Tajikistan

  • Tanzania

  • Thailand

  • The Gambia

  • Timor-Leste

  • Togo

  • Trinidad and Tobago

  • Tuvalu

  • Uganda

  • Vanuatu

  • Vietnam

Noong 2022, nasa ika-80 pwesto ang Pilipinas sa 112 bansa.

Nakasaad sa website sna batay ang index sa International Air Transport Association (IATA), na sumusuri sa 199 bansa “according to the percentage share of global Gross Domestic Product (GDP) to which their passport holders have visa-free access, by taking into account their visa-free/visa-on-arrival scores out of a possible 227 destinations.”

Samantala, nanguna naman dito ang Japan, na may visa-free access sa 193 destinasyon na katumbas ng 98% ng global economy.

Sinundan ito ng Singapore at South Korea na may visa-free access sa 192 bansa, Germany at Spain sa 190; Finland, Italy, at Luxembourg sa 189; at Austria, Denmark, Netherlands, at Sweden sa 188.

Nangulelat naman ang Afghanistan na may visa-free access sa 27 bansa o 12% ng worldat wala pang 1% ng global economic output. RNT/SA