Pinas ikalawa sa may bulok na pension system sa mundo – study

Pinas ikalawa sa may bulok na pension system sa mundo – study

October 14, 2022 @ 5:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumagsak sa ika-43 pwesto mula sa 44 na bansa, o ikalawa sa may bulok na retirement fund system ang Pilipinas sa nagdaang 2022 Global Pension Index ng Mercer CFA Institute.

Ang naturang pag-aaral na inilabas nitong Martes, Oktubre 11 ay sumasalamin sa 65% ng populasyon ng mundo.

Mayroon umanong overall score ang bansa na 42.0, bahagyang mas mababa sa naitalang 42.7 puntos noong nakaraang taon.

Pinagbasehan ng puntos na ito ang tatlong kategorya, una ay ang dami o halaga ng benepisyong naibibigay sa mga senior citizen, sustainability o lebel ng real economic growth ng bansa at regulasyon o pamamahala sa pension system.

Sa mga nabanggit na pamantayan, nakakuha ng 40.5 puntos ang bansa sa adequacy, 52.3 sa sustainability at 30 sa integrity.

Ayon sa Mercer, bagama’t mayroong magandang katangian ang pension system sa bansa, mayroon din itong mga kahinaan.

“Without these improvements, its efficacy and sustainability are in doubt,” ayon sa pahayag.

“Members can receive a lifetime pension if they have contributed for a minimum of 120 months. If this requirement is not met, the retiree will receive a lump sum upon retirement equal to the member and employer contributions, plus interest,” dagdag pa.

Suhestyon ng Mercer, dapat ay taasan ang minimum level of support para sa mga mahihirap na senior citizen at taasan din ang coverage ng mga empleyado sa occupational pension schemes. RNT/JGC