Pinas, Indonesia lumagda sa guidelines ng continental shelf delimitation

Pinas, Indonesia lumagda sa guidelines ng continental shelf delimitation

October 8, 2022 @ 2:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinintahan ng Pilipinas at Indonesian government ang “principles and guidelines” para sa delimitation ng kanilang continental shelf boundary.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA)  na ang dokumento ang magsisilbing gabay at maglalatag ng pundasyon para sa delimitation,  na tinukoy bilang key sa naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Indonesian President Joko Widodo,  buwan ng Setyembre.

Nilagdaan nina Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Angela Ponce at Ambassador Andreano Erwin, Director for Legal Affairs and Territorial Treaties of the Ministry of Foreign Affairs,  ang  nasabing guidelines.

“The signing of the Principles and Guidelines marked an important step for the continental shelf boundary delimitation of the two countries as it reaffirms the provisions under UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) 1982 as the basis of the delimitation process,” ayon sa DFA.

Muli namang inulit ng technical teams  ang kanilang commitment para mapabilis ang proseso ng negosasyon.

Ang Indonesia  ang nag-host ng  unang  meeting sa Bali nito lamang Hulyo 2022 habang nakatakda namang mag-host ang Pilipinas ng susunod na miting sa  2023. Kris Jose