Pinas, int’l community dapat manindigan sa NoKor tests – Seoul

Pinas, int’l community dapat manindigan sa NoKor tests – Seoul

November 4, 2022 @ 11:07 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Korea Ministry of Unification nitong Huwebes, Nobyembre 3 sa Manila at kabuuan ng international community na suportahan ang Seoul sa isinasagawang denuclearization ng North Korea.

Ito ay kasunod nga ng sunod-sunod na ballistic missile na ikinakasa ng Pyongyang kung saan ang isa pa dito ay lumagpak sa dagat na sakop ng South Korea.

“We ask that the Philippines, together with the international community, support the ROK (Republic of Korea) government’s efforts to induce North Korea to stop such military provocations,” pahayag ng Unification ministry sa Philippine News Agency.

“To resolve the issue, the Philippines and the international community must respond firmly to North Korea’s provocations and make efforts to bring North Korea back to the dialogue on denuclearization,”dagdag pa nito.

Ayon pa sa South Korea, ang patuloy na weapon tests ng North Korea ay hindi lamang banda sa kapayapaan sa Korean peninsula kundi maging sa buong Asya at buong mundo.

Dahil dito ay umaasa ang Ministry of Unification na aaksyon ang Association of Southeast Asian Nations (Asean) partikular na ang Asean Regional Forum (ARF) sa usaping ito.

Ang ARF ay isang security dialogue platform na binubuo ng 10 Asean member states at 17 iba pa kabilang ang South Korea, North Korea, China at Russia.

Sa kabila nito, bukas naman umano ang naturang bansa na makipag-usap sa Pyongyang.

“[The] Yoon Suk Yeol administration has announced the ‘Audacious Initiative’ for a denuclearized, peaceful and prosperous Korean Peninsula and urged North Korea to respond to our proposal. We will patiently and consistently pursue a strategy to induce North Korea to return to denuclearization negotiations, with the door open for dialogue,” pahayag pa sa PNA.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to South Korea Maria Theresa De Vega na naninindigan ang Pilipinas sa posisyon nito ukol sa denuclearization sa Korean Peninsula.

“We’ve always held fast to that position. It’s a position that we continue to articulate within Asean and within the international community in the United Nations,” ani De Vega.

“We have issued from time to time national statements condemning any attempts for further destabilization through testing here in the Korean Peninsula because it is an issue which affects not just the Korean Peninsula, but the larger region as a whole and of course, the world as a whole. So we continue to do that. We continue to articulate that,” dagdag pa niya. RNT/JGC