Pinas, Israel lumagda ng kasunduan na magpapalakas sa economic ties

Pinas, Israel lumagda ng kasunduan na magpapalakas sa economic ties

June 9, 2022 @ 8:25 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Makakaasa na ang Pilipinas ng mas maraming investors matapos na lumagda ito sa isang kasunduan sa Israel para sa promosyon at proteksyon ng mga pamumuhunan.

Kapuwa tinintahan nina Philippine Trade Secretary Ramon Lopez at Israel Finance Minister Avigdor Lieberman ang Investment Promotion and Protection Agreement (IPPA) sa Jerusalem, araw ng Martes.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sa ilalim ng kasunduan, magiging saklaw ng IPPA ang “investment protection elements such as national treatment, most favored nation treatment, free transfers, rules-based expropriation and compensation, and investor-state dispute settlement.”

Sinabi ni Lopez na ang pinakabagong business pact sa Israel ay makapanghihikayat ng mas maraming nvestors para mapalawak ang oportunidad sa local market.

“The Philippines eyes Israel’s expertise on innovation, especially in new and smart technologies that will bring about more competitive and efficient products,” ayon kay Lopez sa isang kalatas.

“On the other hand, Israeli investors expressed interest in investing in the infrastructure, agriculture and water, and business process outsourcing sectors in the Philippines,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga industriya na prayoridad sa ilalim ng IPPA ay “agro-tech, life sciences and healthcare, water technologies, high-technology and semiconductors, cybersecurity, financial technology, defense industry, smart transportation, clean technology, smart manufacturing, at diamond industry.” Kris Jose