Pinas, Japan nagdaos ng sideline talks

Pinas, Japan nagdaos ng sideline talks

September 23, 2022 @ 9:29 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang kanilang pangakong palalakasin ang pagtutulungan na harapin ang mga hamon at oportunidad sa ilalim ng kasalukuyang regional security at economic landscape.

Sa isang kalatas, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkita ng personal ang dalawang lider kasabay ng 77th UN General Assembly sa New York para pag-usapan ang pagsulong ng Philippines-Japan bilateral relations.

Matatandaang, tinawagan ni Kishida si Pangulong Marcos para batiin ang huli sa pagkapanalo nito sa nakalipas na halalan sa Pilipinas.

“The Philippines-Japan Strategic Partnership, spanning 11 years, has witnessed tremendous growth and deepened cooperation in addressing the two countries’ security and defense priorities, particularly in maritime security, maritime domain awareness, maritime law enforcement capacities, and peace in Mindanao,” ayon sa ulat.

Sinabi ni Pangulong Marcos na 66 na taon simula sa normalisasyon ng bilateral ties, ang Pilipinas at Japan “have fostered one of the closest partnerships in the region,” ayon kay Cruz-Angeles.

“He shared his administration’s priorities, particularly in the field of agriculture and food security, energy security, infrastructure development, and cybersecurity,” dagdag na wika ni Cruz-Angeles.

Aniya, nagpalitan ang dalawang lider ng pananaw at opinyon sa bilateral, regional, at international concerns.

Sinabi ni Cruz-Angeles, inulit ni Kishida ang commitment ng Japan na suportahan ang economic development na maging upper-middle-income country.

“The two leaders expressed confidence that bilateral cooperation in the next years will lead to the further realization of the two countries’ common aspiration for regional peace and stability and a better life for their peoples,” ayon kay Cruz-Angeles. Kris Jose