Pinas kinilalang Asia’s leading beach at dive destination sa World Travel Awards

Pinas kinilalang Asia’s leading beach at dive destination sa World Travel Awards

September 9, 2022 @ 2:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nahakot ng Pilipinas ang back-to-back win sa 29th World Travel Awards, na kumikilala sa pinakamagagandang destinasyon sa travel at tourism industry.

Sa Instagram post ng Department of Tourism (DOT), pinangalanan ng award-giving body ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Beach Destination at Asia’s Leading Dive Destination.

 Ito ang ika-anim na pagkakataon na nagwagi ang bansa sa beach destination awardat ika-apat para sa dive destination award.

Wagi rin ang Pilipinas sa parehong pagkilala noong nakaraang taon.

Samantala, muling nakuha ng Intramuros ang titulo bilang Asia’s Leading Tourist Attraction. RNT/SA