Pinas, kulang sa accountants – CPA group 

Pinas, kulang sa accountants – CPA group 

March 18, 2023 @ 2:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nahaharap ang bansa sa kakulangan ng accountants sa pagbaba ng college enrollment sa field of study na ito, habang nangingibang-bansa naman ang mga lisensyadong indibidwal, ayon sa grupo ng certified public accountants nitonh Biyernes.

Sinabi ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) na umabot na ang local accounting firms sa “tipping point” at sinimulang tumanggap ng non-certified public accountants para punan ang kakulangan sa propesyon na nagsimula limang taon na ang nakalilipas.

Idinagdag ng grupo na mayroon lamang halos 199,000 CPAs sa bansa sa nakalipas na 100 taon.

“That’s a big problem now of the profession because several of the CPAs here in the Philippines are migrating abroad, or they are working online for foreign companies,” pahayag ni PICPA national president Erwin Alcala.

“So talent management is a big challenge for most of the auditing firms and even the private entities or even the government. We have a shortage of certified public accountants,” giit pa niya.

Inihayag ni Alcala na sumadsad ang accounting industry nang ipatupad ang K-to-12 education system, kung saan bumulusok ang college enrollment sa business at accounting courses falling ng halos 50%.

Gayundin, bumaba ang bilang ng licensure exam takers.

Sa kabilang dako, tumaas naman ang accounting licensure exam passing rates sa pagitan ng 15% at 25% ng total examinees, kumpara sa 20% average sa nakalipas na limang taon, batay sa grupo.

Nais ng PICPA na dumami ang accountants sa bansa, at umaasang susundan ng bagong henerasyon ang mga yapak ng CPAs sa finance, central banking, public audit, at iba pang fields.

“There are a lot of opportunities for CPAs in the Philippines. It’s just a matter of finding them where these opportunities are. They are even better than overseas opportunities,” sabi ni Alcala. RNT/SA