Pinas mag-eexport ng Durian sa Tsina

Pinas mag-eexport ng Durian sa Tsina

September 11, 2022 @ 11:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mage-export na ang Pilipinas ng durian sa China bilang bahagi ng kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura.

Kinumpirma ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isang trade conference nitong Biyernes.

“The two sides are now negotiating on exporting durian to China,” ani Huang.

Samantala, inilarawan ng envoy ang economic cooperation sa pagitang ng Pilipinas at China na “fruitful.”

Ito ay dahil sa unang pitong buwan lamang ng 2022, tumaas ang bilateral trade ng 12.4 porsyento kumpara noong mga nakalipas na taon matapos umabot sa US$50.03 bilyon.

“From 2016 to 2021, China’s approved investment in the Philippines totaled 161 billion pesos, making China the latter’s second-largest source of foreign investment,” pahayag ni Huang.

“Steady but strong growth of investment is seen in digital economy, steel, and high-end manufacturing,” dagdag niya.

Sa halos 40 intergovernmental cooperation projects sa pagitan ng dalawang bansa, ibinahagi ni Huang na 17 na ang nakumpleto.

Matapos mabuo, ang B-I bridge ay naging popular spot sa Manila, habang “the much-anticipated Samal Island-Davao City Connector project is ready to start construction,” dagdag niya. RNT/SA