Pinas magbibigay ng $200K ayuda sa Syria

Pinas magbibigay ng $200K ayuda sa Syria

March 10, 2023 @ 6:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ang pamahalaan ng $200,000 o mahigit P11 milyon na financial assistance para sa mga biktima ng lindol sa Syria noong Pebrero.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing halaga ay iba pa sa in-kind relief aid na ibinigay sa nasabing bansa.

“The Philippines, as a member of the international community of nations, steadfastly supports the united global effort to assist the victims of the February 06 earthquake in Turkiye and Syria,” pahayag ng ahensya sa pamamagitan ng Malacañang.

“In these times of deepest need, the Philippines expresses solidarity with the people of the Syrian Arab Republic, and is honored to announce that it is extending a financial donation in the amount of $200,000, along with the provision of life-saving humanitarian aid.”

Ayon sa report, sa huling ulat ay mayroon nang mahigit 50,000 katao ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria maliban pa sa 125,000 nasaktan.

Nauna nang nagpadala ang pamahalaan ng 82-man contingent team patungong TĂĽrkiye para tumulong sa search-and-rescue operations sa nasabing bansa. RNT/JGC