Pinas magbibigay ng cash aid sa quake-hit Syria

Pinas magbibigay ng cash aid sa quake-hit Syria

February 16, 2023 @ 4:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magpapadala ang pamahalaan ng Pilipinas ng cash donation para sa mga biktima ng lindol sa Syria, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes.

Ayon kay OCD spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV, hinihintay lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpayag sa cash donation.

Hindi niya binanggit kung magkano, subalit sinabi niya na magmumula ang pera sa DFA o sa Office of the President.

“We are just waiting, actually the DFA is already waiting for the approval because the intent is to send a cash donation,” aniya sa panayam sa OCD headquarters sa Camp Aguinaldo.

Nauna nang inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na magbibigay ang gobyerno ng Pilipinas ng $100,000 humanitarian aid sa Turkey, na niyanig din ng 7.8-magnitude quake nitong nakaraang linggo gaya ng Syria, sa pamamagitan ng Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng House of Representative Speaker.

Sa kasalukuyam umabot na sa mahigit 41,000 ang death toll sa lindol na yumanig sa Turkey at Syria noong Pebrero 6.

Sa bilang na ito, 35,3418 ay mula sa Turkey habang naitala naman ang 5,814 sa Syria. RNT/SA