Pinas magbibigay ng P11.1M sa UN humanitarian fund

Pinas magbibigay ng P11.1M sa UN humanitarian fund

December 14, 2022 @ 11:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ang bansa ng nasa USD200,000 o mahigit P11.1 milyon na halaga para sa United Nations Central Emergency Response Fund (CERF) sa 2023.

Ito ang inanunsyo ni Permanent Representative to the United Nations Antonio Lagdameo sa CERF High-Level Pledging Event (HLPE) para sa 2023 noong Disyembre 9.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA), na layuning magamit ang financial resources at masigurong naka-posisyon ang CERF na magbibigay ng time-critical, life-saving humanitarian assistance.

“Our pledge is an indication of our commitment to humanitarian action and of our responsible membership in the community of nations,” sinabi ni Lagdameo.

“Being one of the world’s most at-risk countries, the Philippines invests in disaster preparedness and early warning systems at national and local levels, through strong engagement with international humanitarian organizations, civil society, and the private sector,” pagpapatuloy niya.

Hinimok din ni Lagdameo ang iba pang developing countries na suportahan ang UN OCHA at magbigay din sa CERF.

Ang CERF ang isa sa pinaka-epektibong mekanismo ng UN para sa mga bansang naaapektuhan ng krisis.

Nitong Nobyembre lamang, naglaan ang CERF ng mahigit USD700 milyon para sa suporta ng milyon-milyong residente mula sa 40 bansa. RNT/JGC