Pinas makatatanggap ng 1K pang remdesivir para sa COVID-19 treatment trial

Pinas makatatanggap ng 1K pang remdesivir para sa COVID-19 treatment trial

September 16, 2020 @ 4:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magkakaroon ng karagdagang 1,000 vials ng antiviral drug remdesivir ang Pilipinas kasabay ng patuloy na Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

“This is good news for us, because, yung shipment ng remdesivir, padating na. Pati ang interferon. And this is the 3rd shipment,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“We are going to receive 1,000 vials coming from WHO.”

Lahad pa ni Vergeire, buhat nitong September 7 ay naka-enroll na ang 1,009 COVID-19 pasyente na may moderate to severe symptoms sa trials. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...