Pinas makatatanggap ng 300K replacement COVID-19 vax

Pinas makatatanggap ng 300K replacement COVID-19 vax

June 7, 2022 @ 7:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Makatatanggap ang Pilipinas ng humigit-kumulang 300,000 COVID-19 vaccine doses mula sa COVAX Facility sa Hunyo 20 upang palitan ang mga nag-expire na bakuna, sinabi ng Department of Health nitong Martes.

Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na hindi  pa natatapos ng DOH ang wall-to-wall inventory ng mga bakuna ngunit nakikipag-negosasyon sa pandaigdigang inisyatiba na COVAX Facility para palitan ang mga nag-e-expire na bakuna, sabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

“We are still ongoing with our negotiations with (COVAX Facility). But by June 20, may initial na tayong replacements coming from COVAX, worth 300,000 vaccines. Sa nga susunod pa na negosasyon, may madadagdag pang papalitan nila,” ani Vergeire.

Halos 2 milyong dosis ng bakuna ang nakatakdang mag-expire sa katapusan ng buwang ito, ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

Noong Hunyo 1, nakatanggap ang  Pilipinas ng kabuuang 245,233,560 vaccine doses, ayon sa National Task Force Against COVID-19.  Feb. 28, 2021 nang unang natanggap ang delivery.

Sa nasabing doses,  194,172,000 doses ang naipamahagi hanggang nitong Mayo 29.

Sinabi pa ni Vergeire na kabuuang

69.5 milyon o porsyento ng eligible 90 milyong population ang ganap nang nabakunahan.

Sa kabuuang bilang, 14.3 milyon ang nakatanggap ng karagdagang dosis, habang 426,000 miyembro ng mga mahihinang sektor (mga manggagawang pangkalusugan, matatanda, immunocompromised na indibidwal) ang nakatanggap ng kanilang pangalawang booster jab. Jocelyn Tabangcura-Domenden