Pinas makikipagtulungan sa Japan sa pagpopondo ng railway projects

Pinas makikipagtulungan sa Japan sa pagpopondo ng railway projects

August 15, 2022 @ 3:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ikinokonsidera ng Pilipinas na makipagtulungan sa Japan sa pagtatayo ng mga railways project matapos ang ilang mga deal na suportado ng China na natigil dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tinalakay na ng DOTr kasama ang Japan International Cooperation Agency ang posibleng pagpopondo upang suportahan ang nasabing mga proyekto.

“Actually, we are not limiting our options to China. We can also consider working with Japan and JICA,” sabi ni Bautista sa ANC’s “Headstart”.

Katunayan aniya ay may pagpupulong kasama ng JICA noong nakaraang lingo at nabanggit sa kanbila ang posibilidad ng pagbibigay ng suporta sa nasabing mga proyekto.

Sinabi ni Bautista na ang gobyerno ng Pilipinas ay naghahanap ng iba’t ibang options para sa infrastructure projects.

Noong nakaraang linggo, ang Maynila ay nag-renew ng mga pag-uusap sa 3 kasunduan sa tren na ginawa sa Beijing. Ito ay ang PNR South Long Haul Project (North-South Commuter Railway), Subic-Clark Railway and Mindanao Railway (Tagum-Davao-Digos).

Binanggit ni Bautista na natigil ang mga proyekto dahil nais ng China na maningil ng interes na 3 porsyento para sa mga pautang na pinaniniwalaan ng nakaraang administrasyopn na masyadong magastos.

Ang rate ng interes sa pautang ng Japan ay 0.01 porsyento.

Kasunod ng pagpupulong kasama si Chinese Ambassador Huang Xilian,sinabi ni Bautista na tiniyak ng Pilipinas na makukuha ang “good deal”.

“Six years may not be enough but if we do it right, we should be able to substantially complete the projects before the term of President Bongbong ends,” sabi pa ni Bautista. Jocelyn Tabangcura-Domenden