Pinas malapit nang may sariling COVID-19 vax manufacturing plant – NTF

Pinas malapit nang may sariling COVID-19 vax manufacturing plant – NTF

August 22, 2021 @ 2:38 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Positibo ang takbo ng negosasyon upang makapagtayo ng planta sa bansa gagawa ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Restituto Padilla Jr., spokesperson of the National Task Force (NTF) Against COVID-19.

“Mayroon na tayong ilang manufacturers na nasa advanced stages na ng negosasyon. Mayroong isang natapos na ang negosasyon at nagsisimula na to lay the ground work to start the manufacturing capability in the country,” lahad ni Padilla sa isang panayam ng dzBB.

Hindi naman pinangalanan ng opisyal ang manufacturer dahil sa non-disclosure agreement.

Sa “advanced stages” ng negosasyon, tinutukoy na ang lokasyon na pagtatayuan ng planta.

Kinonsiderang lokasyon ng planta ang mga lugar na malapit sa paliparan upang madali ang transportasyon.

Giit ni Padilla na sandaling magkaroon ng sariling planta ang bansa ng COVID vaccine, hindi na aasa ang bansa sa pag-angkat sa ibang bansa.

Palalakasin din aniya nito ang pagbabakuna sa bansa upang masugpo ang pandemya.

Dahil sa isyu ng suplay ng bakuna sa buong mundo, mabagal ang usad ng pagbabakuna sa bansa. RNT/ELM