Pinas mararanasan ang pinakamahabang araw sa Hunyo 21



Pinas mararanasan ang pinakamahabang araw sa Hunyo 21

June 7, 2021 @ 6:57 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinakamahabang araw ang mararanasan ng Pilipinas sa Hunyo 21 ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Mararanasan sa Hunyo 21 sa ganap na 11:32 PST ng gabi ang summer solstice.

“This is the time when the Sun attains its greatest declination of +23.5 degrees and passes directly overhead at noon for all observers at latitude 23.5 degrees North, which is known as the Tropic of Cancer,” ayon sa PAGASA.

“This event marks the start of the apparent southward movement of the Sun in the ecliptic,” paliwanag pa ng ahensya.

Sa summer solstice mararanasan ang pinakamahabang araw at pinakamaiksing gabi na karaniwang makikita tuwing Hunyo 21 o Hunyo 22.

Tagal ng 12 at 59 minuto ang araw sa Hunyo 21 kung saan sisikat ang araw bandang 5:28 ng umaga at lulubog dakong 6:27 ng gabi.

Sa ibang bansa, nararanasan ang solstice sa pagsisimula ng tag-init sa northern hemisphere, tag-lamig naman sa southern hemisphere lalo na sa mga bansang may apat na panahon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •