Pinas matagumpay na na-flatten ang curve ng COVID-19 cases mula Abril – Duque

Pinas matagumpay na na-flatten ang curve ng COVID-19 cases mula Abril – Duque

July 15, 2020 @ 3:02 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Matagumpay umanong na-flat ng bansa ang curve sa coronavirus infection, ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III.

Isinagawa ni Duque ang pahayag nang matanong tungkol sa steady na pagtaas ng local COVID-19 cases, na umabot na sa 57,545 na kaso hanggang nitong Hulyo 14. Sa bilang na ito, 20,459 ang nakarekober habang 1,603 naman ang nasawi.

“We have successfully flattened the curve since April. The metrics for arriving at that conclusion of flattening the curve is actually one, the case doubling time of the COVID-19 infection has actually become longer,” ayon sa kalihim sa Pre-SONA forum ng pamahalaan.

Bumagal na rin ang case doubling time mula sa 2.5-day window sa mga unang araw ng local outbreak, paliwanag ni Duque.

Nitong Martes, sinabi ni Duque na nasa walo hanggang 12 araw bago dumoble ang kaso sa Metro Manila.

“The other metric to say that we’ve flattened the curve is also the mortality doubling time has also got longer and is now in the moderate risk classification,” dagdag nito.

Nitong Mayo, binatikos si Duque dahil sa pagsabi nitong nasa “second wave” na ng COVID-19 cases ang bansa.

Ngunit humingi ng paumanhin ag ahensya nito dahil sa kalituhan at nilinaw na nasa first wave pa rin ng local outbreak ang bansa.

Aniya, dahil na-flat na ng mga lokal na awtoridad ang curve, dapat itong tingnan bilang “window of opportunity to improve and increase” sa kapasidad ng local health system.

Ilang malalaking ospital sa Metro Manila at Cebu City ang nagdeklara ng full capacity sa COVID-19 beds nito sa mga nakalipas na araw. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...