Pinas may 1,063 bagong COVID cases

Pinas may 1,063 bagong COVID cases

November 21, 2022 @ 7:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala pa ng 1,063 na bagong kaso ang Department of Health nitong Linggo.

Ang total caseload ngayon sa Pilipinas ay nasa 4,025,917.

Ayon sa DOH, mababa pa rin naitatalang bagong kaso nitong nagdaang tatlong araw na may mahigit 1,000 lamang na may 1,122 bagong impeksyon nitong Linggo.

Ang pinakababang naitala na bagong kaso ay noong Nob.16 na mayroon lamang 810.

Sa pinakahuling datos ng DOH, ang aktibong kaso sa bansa at bumaba sa 18,647 mula 18,864 noong Linggo

Para sa halos tatlong linggo, ang aktibong kaso sa bansa ay mas mababa sa 20,000.

Umakyat naman sa 3,942,794 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 habang 8 naman ang nasawi sa 64,476.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 3,551 na sinundan ng Calabarzon na may 2,062 at Western Visayas na may 1,587.

Sinabi ng Health Department na hindi bababa sa 10,904 na indibidwal ang nasuri, habang 319 na testing lab ang nagsumite ng data noong Nobyembre 19.

Ayon pa sa DOH, nasa 23.2% ang bed occupancy sa bansa, kung saan 6,544 na kama ang okupado, habang 21,610 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden