Pinas may 107 bagong COVID cases

Pinas may 107 bagong COVID cases

March 16, 2023 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng 107 bagong COVID-19 infections, dahilan para umabot na ang kabuuang caseload sa 4,078,231.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng aktibong kaso sa 9,068 mula sa 9,084 nitong Miyerkules, base sa pinakabagong datos ng DOH.

Naiulat sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso sa 470 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Davao Region sa 256, Calabarzon sa 210, Soccsksargen sa 161, at Northern Mindanao sa 125.

Sumampa naman ang recovery tally sa 4,002,926 habang umakyat din ang death toll rose sa 66,237, batay sa DOH.

Hanggang nitong Martes, may kabuuang 7,864 indibidwal ang sinuri, habang 324 testing laboratories ang nagsumite ng datos, ayon sa DOH.

Samantala, umakyat din ang bed occupancy ng bansa sa 16.9%, kung saan 4,176 beds ang okupado habang 20,566 ang bakante hanggang nitong Martes. RNT/SA