Pinas may 1,173 bagong COVID cases

Pinas may 1,173 bagong COVID cases

December 5, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 4,041,023 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa bansa makaraang makapagtala pa ng 1,173 na bagong kaso nitong Linggo.

Mas mababa ang naturang bagong kaso na naitala kumpara noong Sabado na 1,234 na bagong kaso.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, bumaba ang aktibong kaso sa bansa sa 18,257 mula sa 18,439 noong Linggo.

Ang bilang naman ng mga gumaling ay umakyat na sa 3,958,042 habang ang namatay ay umabot sa 64,725.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 4,824 na sinundan ng Calabarzon na may 2,009 at Central Luzon na may 1,025.

Sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na hindi bababa sa 10,822 na indibidwal ang nasuri, habang 318 na testing lab ang nagsumite ng datos noong Disyembre 3.

Sinabi rin ng DOH na nasa 23.5% ang bed occupancy sa bansa, kung saan 6,618 ang okupado, habang 21,551 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden