Pinas may 1,241 bagong COVID cases

Pinas may 1,241 bagong COVID cases

November 10, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang kabuuang aktibong kaso sa 15,989 ngunit nadagdagan pa ang mga kaso ng COVID-19 ng 1,241 na bagong kaso.

Mula sa pinakahuling datos ng Department of Health, nagpakita na ito ay tumaas mula sa 694 na bagong kaso ng COVID-19 na naiulat noong Martes, habang ang aktibong tally ay bumaba mula sa 16,034.

Pumalo naman sa 4,012,868 ang bagong kaso sa buong bansa.

Nanatiling ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso sa nagdaang linggo na nasa 3,005, sinundan ng Calabarzon na may 1,856, Western Visayas na may 1,370, Central Luzon na nakapagtala ng 991, at Davao Region na nasa 902.

Ayon pa sa DOH, gumaling naman ang 1,264 na bagong pasyente na nagdala sa kabuuang gumaling sa 3,932,557.

Umakyat rin ang death toll sa 64,322 na may 24 bagong iniulat na nasawi .

Mayroon 14,527 indibidwal ang nasuri habang 337 testing laboratories ang nagsumite ng datos nitong Martes ,Nov.8

Ang occupancy rate sa bansa ay tumaas sa 24.9%, na may 7,124 kama na okupado at 21,544 bakante nitong Lunes,Nov.7 Jocelyn Tabangcura-Domenden